Kapihan sa Kanto

Mga kwento sa kapihan mula sa isang operadang di na nagkakape.

Monday, March 14, 2005

Ka Hermie

Ang post na ito ay para kay Ka Hermie na ka-church namin at ngayon ay nasa ICU ng Fatima Hospital; na-stroke siya kahapon, kasama niya si Henry no'n, dinala siya ni Henry sa ospital, 0/0 ang blood pressure at sinabihan ng doktor na wala na; ngayon nasa coma siya, binibisita nang tuloy-tuloy ng mga ka-church namin.

Ang post na ito ay para kay Ka Hermie na tatay ng isa sa mga pamilyang kilalang-kilala namin sa CBC; anim ang anak niya, sampu ang apo, karamihan sa kanila nakikita ko sa church tuwing linggo, magkakatabi sa pew, halos napupuno ang isang buo, palaging nandoon, tahimik pero nakangiti.

Ang post na ito ay para kay Ka Hermie na tatay ng marami, lolo ng marami, mahal ng marami.

Bukas na magdedesisyon ang pamilya nila. Pakisamahan naman kami sa panalangin.
|| kapihan sa kanto, 10:03 PM
|

Powered by Blogger