Kapihan sa Kanto

Mga kwento sa kapihan mula sa isang operadang di na nagkakape.

Monday, November 01, 2004

Takbo, Buwan, Takbo

Isang buwan na pala 'yun. Ganun lang? Feeling ko ngayon 'yung feeling nating lahat pag may binili ka, kunwari large fries o kaya special siopao, basta kahit anong large na, special pa, tapos ibibigay sa 'yo kakarampot. Siyempre sasabihin mo: "Large na pala yun."

Ganun din ang sinasabi ko sa buwan na nakalipas: "October na pala yun." Halos di ko ata namalayan. Namalayan ko, pero pahapyaw lang. I only have vague memories of thinking, shouldn't I be doing something more useful than this?, and dismissing it, quickly, before I listened to myself.

November na pala! Eto, totoo na talaga. Hindi na exag ang magsabit ng parol sa rearview mirror, o mag-usap-usap kung kelan ba talaga itatayo yung Christmas tree, o makarinig ng jingle bells sa malls, at ibang klaseng jingle bells naman, sa saliw ng tansan, sa labas ng bintana ng kotse mo.

Ang bilis. 'Tong mga buwan na 'to, kung maka-karipas sa harap natin parang kotseng nagmamadaling pauwi sa kahabaan ng EDSA, 'yung mga kotseng malamang ay naje-jebs na ang driver. Ganun kabilis.
|| kapihan sa kanto, 1:57 AM
|

Powered by Blogger