Mga kwento sa kapihan mula sa isang operadang di na nagkakape.
Tuesday, January 25, 2005
Tuesday palang
Gustong-gusto ko pag may nagbabadyang busyness sa himpapawid. Gustong-gusto yung medyo malamig at mahangin na panahon just before a stormy couple of weeks arrive (ika nga, the calm before the storm).
Nae-excite ako at the prospect na malapit na akong hindi makahiga sa kama nang maayos for days on end. Nae-excite ako pag nakikisalamuha sa mga tao sa meeting, practice, meeting ulit, practice ulit, at kung anu-ano pa. I like the energy that is given off and taken in, and flows around. Parang nare-recycle tuloy ang energy ng ibang tao at nagiging panibagong para sayo kapag paubos ka na, just through the electricity of a good idea or an encouraging smile.
|| kapihan sa kanto, 8:51 AM
|