Mga kwento sa kapihan mula sa isang operadang di na nagkakape.
Tuesday, April 12, 2005
Payatas Kids
May sportsfest kami ngayong darating na Sabado sa UP kasama ang mga tinuturuan namin ng Math at English sa Payatas, mga high schoolers 'yon.
Sa isip isip ko lang, This is it! Naniniwala kasi ako na talagang This is it. As in, eto na ang araw na di pwedeng hindi sila makarinig ng Mabuting Balita. Kaya ipag-pray ninyo kami, kung maalala niyo lang naman.
Sana nag-pay attention ako dun sa mga ate at kuya na nagpursige na tumulong sa 'min nung high school kami, na intindihin kami kahit ma-ere at pa-cool kami, na makinig kahit wala naman kaming kinukuwento, at manalangin kahit parang hopeless. Pa'no kasi, kung nag-pay attention ako sa kanila noon, eh di alam ko ang gagawin ko ngayon.
|| kapihan sa kanto, 2:09 AM
|