Mga kwento sa kapihan mula sa isang operadang di na nagkakape.
Saturday, June 04, 2005
C2 atbp.
Natikman niyo na ba ang C2 na iced tea? 'Yung naka-bote na maganda. Nung nasa ospital ako at di pwede kumain at uminom ng kahit ano maliban sa hard candy at ice chips, para lang daw di naman ako mabaliw sabi ng doktor ko, anyway, 'yun na nga, habang nasa ospital ako, pinagnanasahan ko 'yung mga binigay na C2 ng mga dumalaw. Pinramis ko kay Lord na hindi ko ite-take for granted ever evermore ang aking kalayaang kumain at uminom ng kahit anong gusto ko. So ayan, ngayon, umiinom ako ng C2, at mas masarap siya than I ever imagined.
Nakakapanibago pala lahat ng pagkain pag di ka nakakain ng isang linggo.
|| kapihan sa kanto, 1:02 PM
|