Kapihan sa Kanto

Mga kwento sa kapihan mula sa isang operadang di na nagkakape.

Thursday, July 07, 2005

Ang Babae

Ang babae, kahit na maraming sinasabi, minsan ay wala talagang sinasabi. O iba ang sinasabi. Maaaring ikwento niya sa kapitbahay o kaibigan kung paano siya napaso ng mantika habang nagpiprito, o kung paano tumigil ng pagtulo ang tubig sa gripo habang naglalaba.

Pero hindi ang mga ito ang kanyang gustong ikwento. Ang totoo, kung ano pa talaga ang dapat niyang ikwento, ay siya pang hindi niya nasasabi.

"Isang Saglit sa Tag-araw"
Joi Barrios
|| kapihan sa kanto, 12:07 AM
|

Powered by Blogger