Kapihan sa Kanto

Mga kwento sa kapihan mula sa isang operadang di na nagkakape.

Saturday, July 23, 2005

The Island

Saw "The Island" with Ethel yesterday at SM North. Hindi ako natutuwa sa P91 na binayad ko sa newly renovated na sinehan (mas mahal pa sa cinema 1 nila, P120). Masakit kasi sa likod, parang bitin yung upuan kaya pag nag-slide down ka para maka-sandal ang ulo mo, medyo walang suporta sa lower back mo, mangangawit ka rin kahit gano kaganda ang pinapanood mo.

Pero natuwa ako sa pelikula. Ma-aksyon, nakakagulat, ilang beses ako medyo umigtad sa upuan (as Ethel would recount after the movie).

Muntik na namin panoorin ang Lasponggols, kaya lang naisip ko sayang naman baka di namin ma-enjoy eh gustong-gusto ko talaga manood ng sine. Maganda kaya 'yung Lasponggols?

Grabe si Scarlett Johanson, parang dalagang dalaga na. Sa "Lost in Translation" medyo nene pa.

P.S. Sabi ko na nga ba may sex scene eh! Sabi ko na nga ba talaga.
|| kapihan sa kanto, 11:20 PM
|

Powered by Blogger